Aug 27, 2006

Ginataang Kalabasa at Sitaw

It's Buwan ng Wika (celebration of Filipino Language Month) and what better way to join the celebration than to feature a truly Filipino recipe and post in Filipino. So here goes...

By the way, if you're not a Filipino speaker and would like an English version of this post/the recipe, leave a request at the Comments section. (",)

====


Kapag umuulan, may sasarap pa ba sa mainit na kanin na kinakain ng pakamay? Yung umuusok pa at bahagyang nakakapaso, na lalo pang pinainit at pinalinamnam ng ginataang ulam na maanghang?

Tsa-raaannn! Ipinakikilala ang ulam namin dalawang (maulang) Sabado nang nakakaraan: Ginataang Sitao at Kalabasa.

Noong bata pa ako, dahil mga Bikolana ang lola at nanay ko, hindi nawawalan ng ginataang ulam sa bahay namin. Noong medyo malaki na ako at abot ko na ang kalan, naging assignment ko na ang paghahalo ng gata habang hinihintay ang pagkulo nito, para maiwasan ang pagkurta. Siempre dahil nandoon lang ako sa may kalan, nakita at namemorya ko ang mga ingredients at ang mga magic ng pagluluto ng mga ginataang ulam.

Kapag Sabado at may naabutang alimasag si Mommy, siguradong magluluto ng Ginataang Malunggay na may Alimasag. Minsan, tilapya ang ginagataan at pinapatungan ng mga dahon ng petsay o kaya'y mustasa. Kapag buwan ng Hunyo at panahon ng santol, nagluluto ang lola ko ng ginataang santol at pinapartneran ng galunggong na prinito hanggang malutong. Hay....sarap! (Nagulat ba kayong malaman na ginugulay pala ang santol? At nasabi ko na ba na maanghang pa 'yun?)

Kung hindi ginataan ang ulam, malamang na isisingit naman ang gata sa mga pang-himagas (dessert). Nakatikim na ba kayo ng Minatamis na Bayabas o kaya'y Minatamis na Munggo, Bikol version? Siempre, may gata ang mga 'yun.

Mga ilang linggo na ang nakakaraan, ayun nga at binalikan ko ang masayang bahagi na ito ng aking buhay at nagluto ako ng ginataan. Hala! Siempre nag-kanin din ako! Patay ang diyeta, tadtad ng kolesterol ang pinagkakakain ko. Heto na ang kauna-unahang resipi ng ginataang gulay na matutunghayan sa blog na ito. Pinatrneran namin ito ng pritong daing na bangus.

GINATAANG KALABASA AT SITAO

Ano'ng meron doon?

  • 2 hiwa ng Kalabasa, hinugasan ng maiigi at hiniwa pakwadrado (iwanan ang balat)
  • 1 bungkos ng sitao, piniraso sa mga tig-2" na hati
  • 1 sibuyas, binalatan at pinag-apat
  • 1 maliit na luya, binalatan, hiniwa at pinitpit
  • 1 ulo ng bawang, binalatan at pinitpit
  • 3-5 siling labuyo (bawasan kung hindi kaya ang anghang!)
  • gata ng 1 malaking niyog, o dalawang maliit
  • 100 gramong taba ng baboy (opsyonal)
  • dilis, tuyong alamang (opsyonal)
  • asin (ayon sa panlasa)

Trabaho sa Kusina:

Pakuluin ang gata, sibuyas, bawang at luya (at taba ng baboy, kung nais) sa kawali sa ibabaw ng bahagyang apoy nang hindi tinitigilan ang paghalo (para hindi magkurta ang gata). Pagkulo, ihalo ang mga pinirasong kalabasa at hayaang kumulo, hinahalo paminsan-minsan. Kapag bahagya nang lumambot ang kalabasa, idagdag ang sitao at mga siling labuyo, at pakuluin hanggang sa magpawis at maging bahagyang luto ang sitao. Timplahan ng asin at budburan ng sili, tinapa o kaya'y halabos na hipon. Kung matapang-tapang sa anghang, basagin ang mga sili sa gilid ng kawali at ihalo sa gata.

PS

Kailangan ng 6 hanggang 8 tasa ng gata para sa resipi na ito. Gumamit ng instant gata kung nais makatipid sa oras. Kung nais magpaka-bayani, bumili ng niyog, kudkurin sa kudkuran, lagyan ng 6 na tasang maligamgam na tubig at magpiga. Huwag kalimutang salain! :P Oo nga pala, kung may natira ka pang kadakilaan, maari mong gawing bukayo ang sapal ng niyog. :)



20 comments:

mae said...

I love everything ginataan. I could have been a bicolano!! hehe.

My most favourite is ginataang dahon ng gabi and it has to be super hot with chillies!!! Soupy or dry, i love it with rice. I can't get that here though but i occasionally try making this ginataang kalabasa with sitaw or sometimes, with eggplant, okra and ampalaya.

I really like your site. I can't remember how i got here but i'm glad i did!

Mae : maegabriel.com/riceandnoodles

anneski:) said...

Hi Mae! Thanks for dropping by and for the comments. I'm glad to for whatever brought you here. :) Hope you can check back often, I promise I'd keep on blogging. I'd check out your site too!

MikeMina said...

hmmm . . . another makata food blogger! my family loves ginataang kalabasa and sitaw - we cook it as substitute to pinakbet when we don't have enough of the orig veggies to go into the pinakbet!

welcome to lasang pinoy! hope to see more of your entries again . . .

anneski:) said...

hi mike! thanks for dropping by! you know what, i know another Mike Mina (i'm pretty sure he doesn't blog so i'm sure you're not one and the same)...cool, no? :)

anneski:) said...

hi carleen! salamat naman at napatawa kita. :)

kung wala kang makitang sitaw, okay lang, proceed with the recipe as is. masarap pa rin. importante na wag mong tigilan ang paghalo (kahit slow left to right motions lang) habang pinapakulo yung gata, para hindi mag-kurta (curdle).

another dish you can make with your kalabasa: soy sauce pakbet. see my archives section -- "packed lunch" yata ang title nung post.

goodluck, hope to "see" you back!

:)

starlightjulian said...

Hello Anneski! Thank you for posting your recipe for ginataang kalabasa at sitaw. Could you please send it to me in English so that I may try my hand at preparing it at home?

Thanks again!
starlightjulian

Unknown said...

HAHAHAHHA you really make my day...i like the humor at the same time informative way of cooking ginataang kalabasa...THANK YOU!

anneski:) said...

And THIS made my day. Sometimes it makes me sad that people just come and go, get the recipe they need and never bother to leave a comment. Thank God for commenters like you, you all keep me going. :) Have a great day, hope I get the time (and energy) to post another in the same (humorous) vein. :)

Anonymous said...

hi,
i was looking for a recipe of ginataang sigarilyas but i didn't find one so i looked for the ginataang sitaw kalabasa instead, which i think pwede naman. i'll just substitute the sigarilyas with sataw/kalabasa. anyway, thanks! and i really enjoyed the tagalog presentation!

Anonymous said...

hi anneski! thanks for posting this recipe..
naglilihi kc ako, at pagkagising ko kaninang umaga,ang gusto ko kainin is ginataang kalabasa na may baboy,wla kc mommy ko dito sa Dubai,kaya nagsearch ako sa net.
then I found your blogsite.

I'm gonna try this one para ulam namin ng asawa ko ng lunch.

thanks again,
and God Bless!

loy

Unknown said...

thanks sa recipe mo anneski... first time kong magluluto ngayon nitong menu na to kaya nagresearch me internet.. sakto kasi nakabili me ng alimasag eh fave ni mister.. pa advance anniversary ko sa kanya.. hehehe.. bukas pa kasi.. try ko nga din mag bicol express... fave ko rin kasi mga ginataan eh.. thanks for blogging this..

Unknown said...

Love it...so easy to follow.thanks

Anonymous said...

maraming salamat.. napakasarap ng tinuro mong recipe..

Anonymous said...

hi miss anneski! same name pa tau ^^, Thanks sa recipe mo my husband love it ^^..

Anonymous said...

hi miss anneski! same name pa tau ^^, Thanks sa recipe mo my husband love it ^^..

Anonymous said...

hello. thanks for posting this kind of easy but very lovable and appetizing dish.it's very helpful for me, (as one of those first time cook) to prepare one that my family would love.
kudos to you
-jaja =)

Anonymous said...

Thanks sa recipe...nakakatuwa basahin ang last paragraph. Pwede mag-request ng Laing recipe (no pork, ayaw ng Jewish hubby ko)?

anneski:) said...

Hi Loy, Vivian, Sheryl, Tony, Jaja and the anonymous commenters! Thanks for dropping by. Glad you liked the recipe.

I've posted a laing recipe before, under "Ginataan" in the index (right side bar). The pork can be substituted with canned tuna, or chicken thigh meat. Vegans can omit the meat altogether.

Claire said...

All I can say is it's perfect for what my hubby wanted. Honestly, I'm not good with recipes with gata. But you make it easy for your readers. I feel comfortable following through the instructions. Thanks!

bliss1975 said...

Got some malunggay kahapon but don't know where to start. It's such a luxury where i live to have it. Thanks a lot for the recipe. Will be coming back for sure. God bless